Sunday, March 6, 2011

Asdfghjkl

Kailan lang, napagtanto kong sadyang hindi ko magawang tiising magalit, o kahit hindi lang pansinin, ang mga taong mahalaga sa akin. Gustuhin ko mang iparamdam sa kanya na hindi nakakatuwa ang ilang bagay, ngunit na-realize kong mas pipiliin kong magpatuloy ang mga ganoong klaseng bagay kaysa naman na hindi siya pansinin ng matagal na panahon. Hindi ko sinasabing nag-eenjoy ako sa mga ganoong gawain, pero kung kailangan kong pumili, mas pipiliin ko na ang bagay na ayaw ko pero gusto niya. Of course, I wouldn't want a person to change just because I'd like him/her to be like that. Mas lalo lang akong magi-guilty kung pagsisisihan niya ang ginawa niyang pagbabagong ayaw naman talaga niya mula pa sa simula. Alam ko rin namang marami rin akong pagkukulang sa maraming bagay, at ni ako, hindi ko iyon magawan ng paraan, may lakas ng loob pa akong makialam sa ibang tao. asdfghjkl

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...